25 Mayo 2024 - 18:27
Si Saudian Korono Prince Bin Salman ay bumisita sa Iran

Tinanggap ng Crown Prince ng Saudi Arabia ang imbitasyon ni acting Iranian presidente, na si Mohammad Mokhber para bumisita sa Tehran.

Ayon sa ulat, iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Tinanggap ng Crown Prince ng Saudi Arabia ang imbitasyon ni acting Pangulo ng Iran, na si Mohammad Mokhber para bumisita siya sa Tehran.

Maaga noong Biyernes, ang caretaker ng Iranian Presidente, na si Mohammad Mokhber ay nakatanggap ng tawag ng telepono mula kay Mohammed bin Salman, kung saan ang Saudi Crown Prince ay nag-alok ng pakikiramay sa pagkamatay ni Martir Pangulong Ebrahim Raeisi at ng kanyang mga kasama sa huling pag-crash ng helicopter noong Linggo.

Sa pag-uusap sa telepono na ito, pinasalamatan ni Mokhber ang Crown Prince ng Saudi Arabia para sa kanyang mensahe ng pakikiramay sa pagkamartir ni Pangulong Ebrahim Raeisi, na nagdiin para ipagpatuloy ang magiliw na relasyon ng Tehran at Riyadh.

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pag-unlad ng mga relasyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia para sa rehiyon at sa mundo ng Islam, sinabi ni bin Salman, na "Ang Tehran at Riyadh ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa rehiyon at sa mundo ng Islam, at sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga relasyon sa pagitan nila, maaari silang lumikha ng magandang kinabukasan para sa rehiyon."

Inihayag pa ng Saudi Crown Prince, ang kahandaan ng kanyang bansa para mas pang palawakin ang ugnayang nito sa pang-ekonomiya sa Iran.

.....................

328